15 PULIS, SUGATAN SA MGA KAGULUHAN SA ASEAN PROTEST

UMABOT sa 15 pulis ang nasugatan sa unang bugso pa lamang ng mga kilos-protesta kaugnay ng 49th ASEAN Leaders Summit.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), nasugatan ang mga pulis sa magkakahiwalay na girian sa pagitan ng mga demonstrador at kapulisan sa Liwasang Bonifacio sa Maynila.

Walong raliyista ang inaresto sa Maynila habang isang menor de edad ang na-rescue. Bukod dito, 211 katao naman ang naaresto at 20 menor de edad ang na-rescue sa isinagawang anti-Pax Silica march sa Muntinlupa City.

Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Allen Rae Co, itutuloy ng PNP ang pagsasampa ng mga kaso laban sa mga demonstrador na lumabag sa batas.

Kabilang sa mga posibleng ikaso ang paglabag sa Public Assembly Act, alarms and scandal, resistance or disobedience to a person in authority, at direct assault laban sa mga nanakit sa pulis.

Gayunman, sinabi ni Co na nananatiling generally peaceful ang kabuuang pagdaraos ng ASEAN Summit.

(TOTO NABAJA)

54

Related posts

Leave a Comment