3 BIFF PATAY, 7 SUGATAN SA SAGUPAAN

TATLONG kasapi ng teroristang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang napaslang habang pito ang naitalang sugatan, kabilang ang tatlong sundalo, sa nangyaring sagupaan ng militar at Islamic terrorist group sa Maguindanao.

Ayon sa report na isinumite kay Army 6th Infantry Division commander, MGen. Juvymax Uy, nagsagawa ng combat operation ang mga elemento ng Philippine Army 1st Mechanized Brigade matapos makatanggap ng intelligence report hinggil sa plano umanong paglulunsad ng kaguluhan ng BIFF, sa ilalim ng Karialan faction.

Noong Huwebes, natunton ng militar ang kanilang pakay na agad na nagresulta sa madugong sagupaan sa munisipalidad ng Datu Saudi Ampatuan at Shariff Saydona Mustapha.

Inihayag ni 6th ID spokesperson, Lt. Col. John Paul Baldomar, tatlong BIFF members ang napatay at apat ang malubhang nasugatan sa panig ng mga terorista.

Samantala, tatlong sundalo ang nasugatan sa nasabing insidente. (JESSE KABEL)

249

Related posts

Leave a Comment