3 PARTY-LIST NAKAKUHA NG 3 UPUAN SA KONGRESO

MAY tig-tatlong pwesto sa 20th Congress ang Akbayan, Duterte Youth at Tingog party-list habang ang ACT-CIS at Ako Bicol ay tig-dalawang pwesto, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Ang unang 3 nominado ng Akbayan ay sina Chel Diokno, Percival Cendana at Dadah Kiram Ismula. Ang unang 3 nominado ng Duterte Youth ay sina Drixie Mae Suarez Cardema, Berlin Baday Lingwa at Ron Godfrey Waggawag Bawalan habang sa Tingog ay sina Andrew Julian Romualdez, Jude Acidre at Happy Calatrava.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia kahapon na magpapatuloy ang proklamasyon ng lahat ng 63 party-list representatives.

Ang mga partido na nakakuha ng hindi bababa sa 2 porsyento ng kabuuang mga boto para sa party-list system ay may karapatan sa tig-isang upuan.

Ang mga nabigong makakuha ng 2 porsiyento ng mga boto sa 2 magkasunod na halalan ay awtomatikong aalisan ng akreditasyon.

Pero kung nais nilang sumali sa susunod na eleksyon ay kailangan nilang maghain ng petition for accreditation, ayon kay Garcia.

Dagdag pa ni Garcia, hindi na rin tatanggapin ng Comelec ang mga party-list na ang pangalan ay base sa popular TV shows o government assistance programs.

Nauna nang sinabi ng poll watchdog na Kontra Daya na ang mga nangungunang party-list group sa mga survey bago ang eleksyon ay may kaugnayan sa political clans, negosyo, at koneksyon sa militar.

“Political dynasties appear to dominate 4PS (Abalos), ACT-CIS (Tulfo and Yap), FPJ Bantay Bayan (Poe Llamanzares with Dolor and Paton families) and Tingog Sinirangan (Romualdez).

Big business interests are apparent in Ako Bicol (Sunwest) and TGP (Teravera; contractor of DPWH projects). Duterte Youth has military connections which explains its track record for red- tagging,”diin ng poll watchdog.

Samantala, dumulog sa Korte Suprema ang Duterte Youth Party-list matapos hindi sila makasama sa proklamasyon kahapon ng mga nagwagi.

Sa isang pahayag, sinabi ng Duterte Youth na naniniwala silang nagkaroon ng grave abuse of discretion ang Comelec matapos idelay ang kanilang proklamasyon.

Inireklamo ng Kabataan Party-list ang Duterte Youth dahil sa alegasyong hindi sila rehistrado sa Comelec, sangkot sa vote buying at nagpo-promote ng karahasan nang sabihin na tutulungan ang AFP at PNP na ubusin ang mga teroristang NPA at kanilang mga kaalyado.

(JOCELYN DOMENDEN/JULIET PACOT)

67

Related posts

Leave a Comment