4 CAMPUSES NG CAVITE STATE U, BINULABOG NG BOMB THREAT

CAVITE – Sinuspinde ang klase at pinauwi ang mga estudyante, guro at empleyado makaraang nakatanggap ng tawag ang pamunuan ng Cavite State University (CVSU) na pasasabugin ang kanilang apat na campuses sa Silang, Indang, Cavite City at Bacoor City sa lalawigan.

Ayon sa ulat, bandang alas-5:40 ng hapon noong Martes nang makatanggap ng tawag si Dr. Maria Lea Ulanday, OIC Campus administrator, mula kay Dr. Cristina Masibag Signi, Vic President ng CAVSU sa Silang, Brgy. Biga 1, Silang, Cavite campus, na may nag-ulat na may nakatanim na bomba sa kanilang campus.

Nakatanggap din si Maria Cristina Baesa mula kay Dr. Cristina Signo, OIC ng CASU Cavite City campus sa Cavite City, hinggil umano sa sinasabing isang itinanim na bomba, bagama’t hindi klaro kung saang campus at kung saan lugar, bandang alas-4:50 ng hapon noong Martes.

At bilang precautionary measures, sinuspinde ang klase, pinauwi ang mga empleyado at guro at humingi ng tulong sa pulisya.

Sa CAVSU, Indang Cavite main campus, bandang alas-4:12 ng hapon noong Martes nang nakatanggap naman ng email gamit ang re.delaantonio@gmail.com na nagsabing may itinanim na bomba at target nito ang lahat ng CAVSU satellite campuses, kasama ang main campus.

Gayunman, hindi binanggit kung anong oras o petsa mangyayari ang pagpapasabog.

Ang pamunuan ng unibersidad ay ay nakipag-ugnayan na sa EOD Unit ng Cavite PPO .

SA CAVSU Bacoor City, Campus, bandang alas-5:07 ng hapon noong Martes nang nakatanggap sila mula sa email na rem.delaantonio@gmail.com na nagsasaad ng “Magandang araw, bukas ay magkakaroon ng mga pagsabog sa lahat ng Satellite ng Cavite State University, kabilang ang Main Campus. Kung nanaisin niyo na walang masaktan, ay huwag nyo nang hayaang pumasok ang inyong mag-aaral, o kaya naman ay ibigay niyo kung ano ang aming ninanais. Wala kaming sasabihing oras o petsa kung anong oras ang mga pagsabog, kaya’t maging handa kayo sa mga mangyayari.”

Agad ding sinuspinde ang klase at pinauwi ang mga guro at empleyado habang nakipag-ugnayan sila sa EOD.

Habang isinusulat ang balitang ito, wala namang natagpuang bomba sa nasabing mga campus ng nabanggit na unibersidad. (SIGFRED ADSUARA)

98

Related posts

Leave a Comment