5.1 QUAKE SA QUEZON RAMDAM SA METRO MANILA

LUMABAS sa kani-kanilang opisina ang mga empleyado ng Senado sa Pasay City matapos maramdaman ang 5.1 lindol na yumanig sa lalawigan ng Quezon kahapon. (DANNY BACOLOD)

NABULABOG ang maraming government at private building sa Metro Manila nang maramdaman din ang epekto ng Magnitude 5.1 earthquake na yumanig sa lalawigan ng Quezon nitong Martes ng tanghali.

Ayon sa ulat na natanggap ng Office of Civil Defense mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, tumama ang magnitude 5.1 na lindol sa lalawigan ng Quezon nitong Martes ng tanghali at naramdaman sa ilang bahagi ng Metro Manila, kung saan naglabasan ang mga indibidwal na nasa government buildings at maging sa ilang pribadong gusali.

Natukoy ang tectonic tremor 24 kilometers northwest ng General Nakar. May lalim itong 6 kilometers, base sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Dahil sa pagyanig, naglabasan ang mga tao sa ilang gusali sa Metro Manila, kabilang ang Palasyo ng Malacañang, Senate, House of Representatives, National Bureau of Investigation, Commission on Elections, at Department of Migrant Workers.

Pansamantalang itinigil naman ng LRT-1, LRT-2, at MRT-3 ang serbisyo nito dahil sa lindol.

“For the moment, we are expecting damage and expecting aftershocks,” pahayag ni Phivolcs Director Teresito Bacolcol.

Naramdaman ang pagyanig sa maraming lugar sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan kung saan ay naitala ang sumusunod na intensities:

Intensity IV – Makati City, Manila City, Marikina City, San Pedro, Laguna; Tanay, Rizal

Intensity III – Navotas City, Quezon City, Pasay City, San Juan City,

Taguig City; Guiguinto at Malolos City, Bulacan; Palayan City, Nueva Ecija; Mabalacat City, Pampanga; Angeles City, Pampanga; Biñan, Laguna

Intensity II – Caloocan City, Mandaluyong City, Parañaque City, Valenzuela City; Obando, Bulacan; Cabiao, Nueva Ecija.

(JESSE KABEL RUIZ)

 

 

65

Related posts

Leave a Comment