78 SELYADONG SPECIMENS, INILIPAD NG PAF SA MANILA

UMAABOT sa 78 mga selyadong laboratory specimen para isailalim sa paunang diagnostic testing ng Covid 19 ang inilipad ng Philippine Air Force patungong Manila mula sa ilang lalawigan.

Kasunod ito ng utos ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa PAF na magtungo sa mga lalawigan ng Tacloban, Cagayan De Oro, Mactan Cebu at Iloilo para kunin at dalhin sa mga testing center sa Manila ang 78 selyadong laboratory specimens mula sa mga nabanggit na lalawigan.

Ang hakbang ay upang agad na maisailalim sa kaukulang pagsusuri ang nabanggit na mga specimen upang matukoy kung positibo o hindi sa coronavirus disease 2019.

Labing isang kahon din ng mga personal protective equipment ang inihatid ng PAF sa paliparan ng Laguindingan sa Cagayan de Oro City para magamit ng mga tauhan ngDepartment of Health sa Lanao. NICK E

112

Related posts

Leave a Comment