PUMALO na sa apat na porsiyento na lang sa hanay ng mga nasa A1 group o health workers ang hindi pa nababakunahan.
Ibinalita ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., wala na sa limang porsiyento ang dapat bakunahan na medical workers.
Aniya pa, makikita sa kanilang datos na nasa 1 million, 67 thousand, 630 na ang nakakumpleto ng bakuna sa hanay ng mga nasa A1 group.
“Ang kagandahan po dito, malapit na po nating matapos ‘yong healthcare worker ng first jab. Nakaka-96 percent na po tayo. Iyong atin pong talaan sa ating masterlist ay 1.6 million. Ang atin pong nagkaroon po ng first jab is already 1.5 million. So kaunti na lang po, bale four percent na lang po ang kailangan po natin. At saka ang kagandahan din po doon, 1,067,630 na po ang fully vaccinated na ating healthcare workers,” ayon kay Galvez.
Aniya pa, ang numero ng mga nabakunahan na senior citizens ay pumalo na sa 2,001,758.
Patuloy rin aniya ang pag-akyat ng bilang ng mga nasa A3 o mga may comorbidities na naturukan na ng bakuna na base sa records ay nasa 2,088,000. (CHRISTIAN DALE)
135 