VISOR-TYPE FACE SHIELD BAWAL PA RIN

NANANATILING hindi pinapayagan o ipinagbabawal ang pagsusuot ng visor-type face shields habang nasa enclosed public places.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque alinsunod sa umiiral na regulasyon na itinakda ng Inter-Agency Task Force on COVID-19.

Sinabi ni Sec. Roque, ang tamang face shield ay kailangan na cover o sakop ang buong mukha kabilang na ang magkabilang gilid at ang “entire length of the face.”

Ani Sec. Roque, ang nasabing regulasyon ay pagsunod sa Department of Health memorandum circular na ipinalabas noong Enero ng taong ito.

Gaya ng nakasaad sa Joint Memorandum Circular 2021-0001 hinggil sa Clarificatory Guidelines on the Mandatory Use of Face Shields Outside of Residence for COVID-19 Mitigation na ipinalabas noong Enero 2021, ang mga sumusunod na lugar kung saan mandatory ang pagsusuot ng face shield ay enclosed public spaces, mga eskuwelahan, workplaces, commercial establishments gaya ng subalit hindi limitado sa food establishments, malls, at public markets, public transport and terminals, places of worship at iba pang public spaces kung saan isang metro ang physical distancing at may gathering o pagsasama-sama ng hindi hihigit sa 10 katao sa kaparehong venue sa kaparehong oras.

Matatandaang, noong nakaraang linggo ay sinabi ni Health Undersecretary Rosario Vergeire na ang pagsusuot ng face shield ay kinakailangan kung ang isang tao ay nasa loob ng mall o sa kahit na anomang indoor o enclosed area o habang nasa face-to-face meeting sa loob ng opisina. (CHRISTIAN DALE)

161

Related posts

Leave a Comment