KASUNDUAN KAY VP AT DEPED SEC. SARA NILABAG NI MAYOR ABBY

HINDI na dapat nakialam ang Makati City sa Embo Schools matapos ang ipinalabas na order ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte subalit ilang guro ang nagreport ng paglabag ng lungsod sa kautusan.

Ini-report ng mga guro ang ilang paglabag umano ng Makati City sa order ni Duterte kabilang na ang tangkang pagpapasok ng school supplies ng Makati LGU sa Pitogo High School. Ang nasabing school supplies ay pinadeliver sa pamamagitan ng courier service delivery ng Makati.

Ang tangkang pagpapasok ng school supplies ng Makati City ay tinanggihan ng mga guro dahil batid nilang dapat may kautusan muna mula sa DepEd.

Patuloy pa rin ang paglalagay ng mga bagong tarpaulin sa Embo schools na nakasaad na “This Property is owned by Makati City”.

Ang General Services Department din ng Makati City ay nagtutungo sa mga EMBO schools para tignan at i-tag ang properties sa loob ng paaralan.

Matatandaan na sa hangarin na maalis ang tensyon sa pagitan ng Makati at Taguig, nagpalabas ng Memorandum No 23-2023 si Vice President Sara Duterte na nag-uutos na ilagay sa direct authority ng Department of Education (DepEd) ang 14 public schools na nasa Enlisted Men’s Barrio (EMBO) barangays.

Sa ilalim ng nasabing memorandum, ang DepEd Central Office ang siyang may direct supervision sa management at administration habang hindi pa natatapos ang transition plan para sa paglilipat sa Taguig City ng EMBO schools na kinabibilangan ng Makati Science High School, Comembo Elementary School, Rizal Elementary School, Pembo Elementary School, Benigno “Ninoy” S. Aquino High School, Tibagan High School, Fort Bonifacio Elementary School, Fort Bonifacio High School, Pitogo Elementary School, Pitogo High School, Cembo Elementary School, East Rembo Elementary School, West Rembo Elementary School at South Cembo Elementary School.

“Hence, in pursuit of protecting the best interest and welfare of our learners, teachers, and non-teaching personnel, the Office of the Secretary shall directly supervise the management and administration of all 14 schools, pending a transition plan, effective immediately,” nakasaad sa memo.

Nakapaloob din sa memo na habang nasa transition period, ang lahat ng kilos ng Makati at Taguig LGU ay may pahintulot mula sa DepEd Office of the Secretary.

Sinabi ni DepEd Spokesman Michael Poa na kinikilala ng DepEd ang kautusan ng Korte Suprema na nagtatakda na ang EMBO schools ay nasa ilalim ng legal na hurisdiksyon ng Taguig City, gayunpaman dahil sa hindi nareresolba kung sino ang nagmamay-ari ng school buildings ay kailangan nang bumalangkas ng transition plan.

Una nang sinabi ni Makati City Mayor Abby Binay na dapat bilhin o rentahan ng Taguig ang mga school buildings kung nais nitong makumpleto ang paglilipat ng mga EMBO schools sa Taguig.

Kabilang sa reresolbahin ng Transition Committee ay kung sino ang magbabayad ng utilities at security ng mga paaralan gayundin ang iba pang gastusin subalit habang wala pang pinal na plano ay ang DEped ang aako muna ng operating expenses ng mga apektadong paaralan sa pamamagitan ng kanilang contingency plan.

Una nang sinabi ng Taguig City na suportado nito ang hakbang ng DepEd para sa smooth, orderly at peaceful transition para sa administrasyon ng mga paaralan patungo sa kanilang lungsod.

126

Related posts

Leave a Comment