PATONG-PATONG na kaso ang isinampa ng Philippine National Police (PNP) sa tatlong suspek na naka-engkwentro ng mga pulis noong Biyernes sa NLEX.
Sa isinagawang press conference sa Camp Crame, sinabi ni PNP Public Information chief, PCol. Allan Rae Co, kasong frustrated murder, paglabag sa Republic Act 10591, Republic Act 9561 at direct assault ang isinampa sa mga suspek.
Ayon kay Co, ang naarestong mga suspek ay responsable sa serye ng holdapan at nakawan sa Central Luzon at Region 4-A na matagal nang tinutugis ng mga awtoridad.
Samantala, iginiit naman ni Co na nasunod ang rules of engagement sa engkwentro dahil wala namang nadamay na sibilyan.
Bukod dito, kanyang sinabi na “required force” o nararapat na pwersa lang ang kanilang ginamit bilang ganti sa mga suspek.
(TOTO NABAJA)
73 