US EMBASSY: PH-US RELATIONS MAS TITIBAY SA PAMUMUNO NI AMB. LEE LIPTON

TINIYAK ng United States Embassy sa Maynila na lalo pang titibay ang diplomatic relations ng Pilipinas at Estados Unidos sa ilalim ng pamumuno ng bagong U.S. Ambassador to the Philippines na si Lee Lipton.

Ayon sa embahada, kumpiyansa silang mapapalalim pa ang ugnayan ng dalawang bansa habang ipinagdiriwang ang ika-80 taon ng diplomatic relations ng Pilipinas at Amerika.

Sinabi ng U.S. Embassy na ang malawak na karanasan ni Lipton sa pamumuno ang dahilan kung bakit kwalipikado itong maging bagong ambassador sa Pilipinas.

Noong Mayo, kinumpirma si Lipton sa kanyang bagong posisyon matapos magsilbing Chief of Staff at Interim Permanent Representative sa U.S. Mission to the Organization of American States (OAS).

Kamakailan ay dumating na sa Maynila si Ambassador Lipton upang opisyal na simulan ang kanyang tour of duty.

Bago pumasok sa diplomatic service, naging negosyante si Lipton sa Florida at nagkaroon ng malawak na karanasan sa apparel at hospitality industries.

Sa kanyang confirmation process, binigyang-diin ni Lipton ang pagpapalalim ng security cooperation sa ilalim ng Mutual Defense Treaty, pagsusulong ng Luzon Economic Corridor, at pagpapalakas ng bilateral trade at matatag na supply chains.

Kasabay nito, nagtanghal ang United States Marine Corps Forces Pacific ng isang musical show sa SM Mall of Asia bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-250 anibersaryo ng kasarinlan ng Amerika at ika-80 taon ng diplomatic relations at ika-75 taon ng Mutual Defense Treaty ng dalawang bansa.

(JESSE RUIZ)

89

Related posts

Leave a Comment