PENITENSIYA NG MAGSASAKA SA EL NINO, NAIBSAN

EL NINO12

(Ni FRANCIS SORIANO)

NAIBSAN ang pangamba ng mga apektado ng El Nino matapos makaranas ng mga pag-ulan sa mga lugar na lubhang tag-tuyot noong nakaraang linggo , ayon sa Department of Agriculture (DA)

Sinabi ni Agriculture Secretary Manny Piñol na hindi na umano gaanong malala ang epekto ng El Niño sa pananim ng mga magsasaka kung ikukumpara sa mga unang araw na naranasan ang nasabing tagtuyot.

Batid din umano ng ahensiya ang hirap na pinagdaraanan ng mga magsasaka kaya’t tuluy-tuloy ang pamamahagi ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) ng tulong-pinansiyal sa mga magsasakang naapektuhan ng El Niño upang sa gayon ay maibsan ang pagkalugi sa nasirang mga produkto.

Pumalo na sa higit P5-bilyong pinsala sa agrikultura, lalo na sa pananim na palay at mais sa buong bansa.

343

Related posts

Leave a Comment