MISMONG si Philippine National Police chief General Benjamin Acordo ang nagpahayag na may pananagutan ang Bacoor City Police chief sa trabaho ng kanyang dalawang tauhan na dinakip ng mga awtoridad dahil sa pangongotong sa transport groups sa lungsod.
Ayon sa ulat, nakatakdang lagdaan ni General Acorda ang relief order ng nasabing opisyal dahil sa pananagutan nito sa ilalim ng ‘command responsibility’.
Una rito, inaresto ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang dalawang pulis at isang sibilyang kasabwat matapos mag-viral sa social media ang kanilang pangongotong sa transport groups sa Bacoor City.
Lumitaw sa pagsisiyasat ng CIDG, tumatanggap umano ang mga ito ng P1.5 milyong payola kada buwan mula sa transport groups o P170,000 kada transport group, bilang protection money para hindi sila hulihin.
Ang dalawang pulis ay kapwa nakatalaga sa Cavite Police Provincial Office.
(JESSE KABEL RUIZ)
