ALUMINUM VAN DRIVER SINAGI NG TRUCK, PATAY

PATAY ang driver ng aluminum van nang sagiin ng truck at maipit ng dalawang sasakyan, makaraang bumaba ang biktima para sitahin ang suspek sa mabilis nitong pagpapatakbo sa Mel Lopez Boulevard, Tondo, Manila noong Huwebes ng hapon.

Isinugod sa Tondo General Hospital ang biktimang si Benjamin Bagtas, 47, ng Tondo, Manila ngunit hindi na naisalba ang buhay.

Natimbog naman ng nagpapatrulyang mga tauhan ng Manila Police District – Smokey Mountain Police Community Precinct na sakop ng Station 1, ang driver ng Izusu truck na si Marlon Ilas, 34, ng Isabela City.

Base sa ulat ni Police Major Jaime Gonzales, hepe ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), bandang alas-12:30 ng tanghali nang mangyari ang insidente sa Mel Lopez Boulevard sa southbound lane malapit sa naturang PCP.

Salaysay ng pahinate ni Bagtas, nakita nila ang matuling pagpapatakbo ng driver ng truck.

Bunsod nito, pinahinto ng biktima ang minamanehong aluminum van, bumaba ito at pinagsabihan ang suspek na magdahan-dahan sa pagmamaneho.

Gayunman, hindi umano huminto si Ilas, sa halip ay dumiretso ito at niliko sa kanan ang truck naging dahilan upang masagi ang biktima at naipit sa pagitan ng dalawang sasakyan.

(RENE CRISOSTOMO)

225

Related posts

Leave a Comment