DRUG GROUP LEADER, PATAY SA ENCOUNTER

LUCENA – Patay ang lider umano ng drug group matapos makipagbarilan sa mga pulis sa firearm buy-bust operation ng mga awtoridad sa Maharlika highway, Brgy. Ibabang Iyam sa lungsod na ito, noong Sabado ng umaga.

Kinilala ang napatay na si Armando Tagle Armiendo, 47, residente ng Brgy. Ibabang Iyam, Lucena City.

Ayon sa Quezon Police Provincial Office, dakong alas-11:45 ng umaga nang isagawa ng intelligence operatives ng Lucena City Police Station ang firearm buy-bust subalit natunugan ng suspek na mga pulis ang ka-deal kaya nauwi sa engkwentro ang operasyon.

Nagkaroon ng running gun battle hanggang sa masukol sa talipapa ng barangay ang suspek at tinamaan.

Isinugod sa Quezon Medical Center ang suspek subalit idineklarang dead on arrival ng doktor.

Napag-alaman na ang suspek na lider ng Armiendo drug group, ay kalalaya pa lamang makaraang maaresto sa kasong illegal drugs noong Enero 11, 2021.

(NILOU DEL CARMEN)

218

Related posts

Leave a Comment