NASAKOTE ang walo katao sa magkahiwalay na operasyon ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) sa unang araw ng Hulyo bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa cybercrime.
Ayon sa PNP-ACG, limang suspek ang naaresto sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng mga kasong cyber libel, anti-photo and video voyeurism, at estafa. Tatlo pa ang nadakip sa entrapment operations dahil sa online scam, robbery, grave threats, at estafa.
Bukod dito, anim na kasong cybercrime ang isinampa ng PNP-ACG habang nagsagawa rin ito ng 59 cyber patrol operations, na nagresulta sa pagkakasagip sa isang biktima ng online child abuse and exploitation.
Ayon kay PNP-ACG Director PMGen. Wilson Asueta, tuloy-tuloy ang kanilang operasyon laban sa mga cybercriminal upang maprotektahan ang publiko.
(TOTO NABAJA)
94 