CONSTRUCTION SITE SA SEMENTERYO NILOOBAN, KAWATAN NAPATAY

TAYABAS CITY – Pinasok ng nasa limang magnanakaw ang barracks ng construction site ng isang mausoleum sa private cemetery sa Barangay Mayowe sa lungsod nitong nitong Martes ng madaling araw.

Nadiskubre ang krimen dakong umaga nitong Martes sa Heaven’s Garden Memorial Park.

Ayon sa salaysay ni Christian Gallo, 23, caretaker ng ginagawang museleo, dakong alas-2:45 ng madaling araw nang magising siya at maaktuhan ang hindi kilalang mga lalaki na ninanakaw ang isang cutting machine at mixer ng semento.

Nang sitahin niya ay binaril siya ng isa sa mga suspek gamit ang airgun at tinamaan siya sa leeg.

Nagawa naman nitong masaksak ang nasabing suspek na siya nitong ikinamatay. Habang tumakas naman ang apat na kasama nito.

Ayon sa mga awtoridad, nakapasok ang mga suspek sa barracks matapos na sirain ang dingding na trapal o lona habang natutulog ang caretaker.

(NILOU DEL CARMEN)

108

Related posts

Leave a Comment