PANANATILI NG CHINESE VESSELS TATALAKAYIN

chinese vessels12

(NI BETH JULIAN)

KINUMPIRMA ni Philippine Ambassador to China Jose Santiago Sta. Romana na pag uusapan na sa Bilateral Consultative Mechanism  (BCM) ang mga isyu ng pananatili ng mga Chinese vessels sa Pag-asa Island at pagkuha ng mga mangingisdang Tsino ng mga giant clams sa Panatag Shoal.

Gayunman, inamin ni Sta. Romana na sa ngayon  ay wala pang nabubuong matibay na kasunduan ang Pilipinas at China upang maresolba ang problemang ito subalit sinabi nitong ang mahalaga ay sumang-ayon ang magkabilang panig na idaan sa isang diplomatikong negosasyon upang maiwasang mauwi  sa krisis ang masalimuot na sitwasyon sa pinag-aagawang teritoryo.

Una nang inihayag ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., na ilagay sa marine protected area ang Panatag Shoal para maprotektahan ang kalikasan sa West Philippine Sea.

Ayon kay Esperon, tinitingnan na nila ang posibilidad na ito matapos ang ulat na kumukuha ng mga giant clams o Taklobo ang mga mangingisdang Tsino.

Iginiit ni Esperon na ang pagkuha ng mga giant clams o Taklobo ay ilegal na gawain dahil makaaapekto isa sa biodiversity dahil ito ay bahagi ng ecosystem, nagpapanatili ng seguridad sa pagkain hindi lamang sa mga Filipino, maging sa mga tao sa buong mundo.

 

282

Related posts

Leave a Comment