(NI HARVEY PEREZ)
INIHAYAG ng Commission on Elections (Comelec) na malaki ang posibilidad na madaragdagan pa ang bilang ng mga lugar na maidedeklarang “areas of concern” sa buong bansa.
Ito ang inihayag ni Comelec spokesperson James Jimenez, habang papalapit ang araw ng halalan sa Mayo 13.
Sinabi ni Jimenez na nagsasagawa na ng validation ang Philippine National Police (PNP) sa mga lugar na posibleng maisama sa idedeklarang “areas of concern”.
Ito ay sa mga lugar kung saan mainit ang tunggalian sa politika at mga lugar kung saan maaaring magkaroon ng karahasan na may kaugnayan sa nalalapit na halalan.
Gayundin, maari pang may maisailalim din sa Comelec control, pero hindi na idinetalye pang maigi ang nasabing impormasyon.
Nabatid na ang pagsasailalim sa Comelec control ng isang lugar ay kinakailangang manggaling sa mga local election officer at mga law enforcement agency sa lugar na ipapasa at dedesisyunan ng Comelec en banc.
139