AFP NIYAYANIG NG NEPOTISMO, CRONYISM

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

LALONG lumalakas ang hinala na may namumuong disgusto sa mga miyembro ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa pagkalat ng open letter sa social media na kumokondena sa anila’y garapal na nepotismo at cronyism sa matataas na opisyal ng hukbo.

Inilantad sa naturang bukas na liham na may mga dismayadong miyembro sa ilang matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na bukod sa pag-iral ng nepotismo at cronyism ay lantahan din ang paboritismo na umano’y bumahid sa promotion system ng military.

Ang malaganap na paboritismo ay sinasabing napakinabangan ng pamilya ng Comptroller o malalapit sa Chief of Staff ng AFP. Ang matataas na mga opisyal ay inakusahan ng pagkompromiso sa meritokrasya para sa pansarili nilang kapakanan, at ang malalapit sa kanila ay sinasabing naitalaga sa key positions.

Binatikos din ang military chief sa kawalan anila ng moral compass na pamunuan ang AFP.

Sa paghimay ng mga may akda ng liham, ito ang unang pagkakataon sa kasaysayan ng AFP, na nagkaroon ng floating officers katulad nina Rear Admiral Alberto Carlos, Major Gen. Leonel Nicolas, Major Gen. Antonio Navarrete, Major Gen. Edgar Cardinoza, at Brig. Gen. Amado dela Paz, Brig. Gen. Jovencio Gonzales, Brig. Gen. Teofilo, at Col. Ferdinand Marcelino.

Tanong nila, kung hindi nagbanta si Col. Marcelino na maging whistleblower, maaari kaya siyang ma-reappoint bilang Provost Marshal?

“Baka mapuwesto na din si Col. Harold Pascua, now with ISAFP and also nagtrabaho din sa (played a role in) extraction sa Turkey. Major Gen. Nafarrete will return to the service on August 23 as COM (commander) of 6ID (Infantry Division) after being on floating status since 2023,” ayon sa sulat.

Ang iba anila ay maaaring mapilitan na lamang na mawala sa serbisyo sa pamamagitan ng forced retirement.

Sinabi pa sa sulat na si Philippine Air Force, Col. Eric Gatchalian na matiyagang naglingkod bilang Deputy Commander of AIBDC ng halos tatlong tatlong taon ay na-bypass ni Col. Genaro Mentor, ang noon ay Deputy Wing Commander of TOWEASTMIN, at kababayan ng CSAFP.

Bilang resulta, si Col. Gatchalian ay inilipat sa TOWNOL, hakbang na nakaapekto umano sa morale ni Col. Nomer Tomesa, na natsismis na magiging incoming Wing Commander of TOWNOL. Ang biglaang pagbalasa ay nagresulta para mawalan ng available na posisyon para kay Col. Tomesa bago siya umabot sa kanyang ika-56 kaarawan.

Ang promosyon umano ni Bgen. Menor ay sinasabing dahil sa impluwensya kapwa ng CSAFP at ng SAP Secretary. Gayundin, si Col. Abellera, sa kabila ng pagiging top choice para sa posisyon ng Provost Marshal General, ay na-overlook pabor kay Col. Marcelino, na pinadrinohan umano ng CSAFP sa kabila na ito ay nasa floating status.

Ganito rin anila ang sitwasyon sa Philippine Navy.

Limang three-star generals umano ang kasalukuyang humahawak ng mga posisyon (FOIC, TDCS, WESCOM Commander, former ComWESCOM, and the PMA Superintendent), na nagpatunay sa hindi pagiging balanse ng senior leadership.

Ang mabilis umanong promosyon nina Commodores Garrido at Bautista, kapwa mula PMA Class 94, kaysa mga opisyal mula sa PMA at OCS Class 91, 92, and 93, ay lalong nagpadiin sa isyung ito. Ang umano’y disproportionate number ng four one-star Marine generals (Adecer, Juan, Papera, and Marcelino) mula sa PMA Class 94 kumpara sa higit na senior classes, ay partikular na nakaaalarma.

Ayon pa sa sulat, dagdag insulto sa senior classes, si Commodore Bautista, na kauupo lamang bilang Commander, CEISSAFP, ay naitalaga kamakailan lamang bilang J6 (a two-star position), at si CAPT Emilio Orio Jr. ay naitalaga rin bilang Commander, ng Naval Air Wing. Ang PMA Class 94 graduates. Halata umanong malakas manghatak ng kapwa 94 mistahs sa DND at posibleng may sabwatan sa CSAFP.

Ganito rin umano ang nangyayari sa Philippine Army, kung saan bigo ang CSAFP na matugunan ang promotion concerns.

Si Col. Sevilla ng SOCOM ay nananatiling promotable sa kabila ng significant issues. Si Major Gen. Capulong, na inaasahang maging VISCOM Commander, ay na-bypass pabor kay noon J3, Lt. Gen. Reyeg, na hindi nagsilbi bilang Division Commander.

548

Related posts

Leave a Comment