2 NASUGATAN SA SUNOG SA ROSARIO, CAVITE

CAVITE – Dalawa katao ang nasugatan nang sumiklab ang sunog sa isang bahay sa bayan ng Rosario sa lalawigan noong Lunes ng hapon.

Kinilala ang mga biktimang si Paul John Raquel at isang ‘di pa kilalang ginang, kapwa residente ng Brgy. Wawa 2, Rosario, Cavite.

Ayon sa ulat ni SFO1 James Tan ng ng Rosario, Cavite Bureau of Fire Protection (BFP), bandang alas-2:00 ng hapon noong Lunes nang magsimula ang sunog sa Block 3 AC, Mercado St., Brgy. Wawa 2, Rosario, Cavite na itinaas sa unang alarma kasunod ng pagdedeklara ng fire-out bandang alas-2:42 ng hapon.

Nasugatan sa nasabing sunog si Raquel habang nabagsakan naman ng gutter ang ginang.

Ayon sa BFP, nag-init na appliances ang sanhi ng sunog habang inaalam pa kung magkano ang naging kabuuang pinsala ng insidente. (SIGFRED ADSUARA)

98

Related posts

Leave a Comment