SEAMAN, ASAWANG GURO NATUSTA SA SUNOG

HINDI nagawang makalabas ng kanilang nasusunog na bahay ang isang seaman at asawa nitong guro nang lamunin ng apoy ang kanilang baha noong Linggo hapon sa Lingayen, Pangasinan.

Kinilala ang Lingayen PNP ang mag-asawang biktima na sina Wendy Repato, 35, isang seafarer, at Ronaly de Guzman Repato, 31, isang public school teacher, naninirahann sa Barangay Matalava ng nasabing bayan.

Lumitaw sa inisyal na pagsisiyasat base sa salaysay ni Roger de Guzman, ama ni Ronaly, nakaamoy ito ng tila nasusunog sa loob ng kusina bandang alas-2:40 ng hapon.

Nagulat ito nang makitang nagliliyab na pala ang bahay.

Sinasabing hindi nakalabas ng bahay ang mga biktima dahil natutulog sila sa kanilang kwarto.

Kasalukuyang sinisiyasat pa ang posibleng pinagmulan ng apoy, ayon sa Bureau of Fire Protection-Lingayen. (JESSE KABEL RUIZ)

19

Related posts

Leave a Comment