‘Di pa umiinit sa upuan gusto nang palitan? PAGPAPATALSIK KAY CHIZ UMUGONG

ITINANGGI ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang umuugong na balita hinggil sa pagpapalit muli ng liderato sa Senado.

Sinabi ni Estrada na wala siyang balak at kuntento siya sa pamumuno ni Senate President Francis Chiz Escudero.

“Anomang haka-haka na lumalabas na ako raw ang papalit bilang Senate President. Hindi po totoo yan. Wala po akong balak. Nagtataka ako at nagugulat ako dito sa mga kumakalat na mga usap-usapan na papalitan na raw ang ating Senate President. Wala pong katotohanan,” pahayag ni Estrada.

Aminado si Estrada na nagulat na lamang siya at binungad sa kanya kahapon ng umaga ang impormasyon na papalitan niya si Escudero.

Kinumpirma naman ng senador, tatlong linggo na ang nakalilipas ay narinig din niya ang usapin subalit hindi siya ang pinaplanong ipalit.

Nanindigan si Estrada na kuntento ang mayorya ng mga senador sa liderato ni Escudero at hindi rin makakabuti kung magiging paulit-ulit ang pagbabago ng lider ng Senado. (DANG SAMSON-GARCIA)

233

Related posts

Leave a Comment