PWD HINALAY NG PINSAN

ARESTADO ang isang 32-anyos na lalaki makaraang umano’y gahasain ang 24-anyos niyang pinsan na may karamdaman sa pag-iisip, sa tabi ng 3-anyos na batang lalaking anak ng biktima sa Port Area, Manila noong Lunes ng hapon.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Emmanuel Gomez, station commander ng Baseco Police Station 13 ng Manila Police District, ang suspek na si alyas “Pipoy”, binata, residente ng naturang lugar

Ayon sa ama ng biktima, bandang 3:20 ng hapon nang mangyari ang insidente sa bahay ng biktima.

Agad namang nagkasa ng follow-up operation ang mga operatiba na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Ang suspek ay sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 8353 o The Anti-Rape Law of 1997. (RENE CRISOSTOMO)

294

Related posts

Leave a Comment