ANAK NI ROQUE NAGPASAKLOLO SA SC

roque

DUMULOG kahapon ng anak ni dating presidential spokesman Harry Roque ang Korte Suprema na humihiling ng protection writ laban sa contempt at arrest order na inilabas ng House of Representatives Quad Committee (Quad Com).

Sa 66-pahinang petisyon, iginiit ni Roque, sa pamamagitan ng kanyang anak na si Bianca Hacintha, sa SC na maglabas ng writ of amparo na nagbabawal sa Quad Com na ipatupad ang pag-aresto sa kanya.

Ang writ of amparo ay isang remedyo na magagamit ng sinomang tao na ang karapatan sa buhay, kalayaan, at seguridad ay nilabag o pinagbantaan na gawa o pagtanggal ng isang pampublikong opisyal, empleyado, o pribadong indibidwal.

Magugunitang idineklarang fugitive ng ilang mambabatas si Roque matapos itong hindi dumalo sa mga pinatawag na pagdinig kaugnay ng POGO. (JULIET PACOT)

60

Related posts

Leave a Comment