4 BAHAY NATUPOK SA KANDILA, 1 SUGATAN

CAVITE – Isang 74-anyos na lolo ang nasugatan sa sunog na sumiklab na ikinatupok ng apat na kabahayan sa bayan ng Rosario sa lalawigan nitong Biyernes ng umaga .

Ayon sa ulat, bandang alas-10:15 ng umaga nang nagsimula ang sunog sa isang bahay sa Sitio Tramo, Brgy. Tejeros Convention, Rosario Cavite.

Nabatid sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), umabot sa apat na kabahayan ang natupok sa insidente.

Sinasabing naiwang nakasinding kandila ang pinagmulan ng sunog matapos mawalan ng suplay ng kuryente sa lugar.

Gumapang ang apoyatnadamay ang katabing kabahayan.

Ginagawa rin umanong tambayan ng mga kabataan ang nasabing bahay.

Ang apat na pamilyang nasunugan ay dinala sa barangay hall para sa kanilang pansamantalang matutuluyan.

Umabot sa unang alarma ang sunog at bandang alas-10:55 ng umaga nang idineklarang fireout. (SIGFRED ADSUARA)

36

Related posts

Leave a Comment