CAYETANO: LABAN SA KORAPSYON, BAHAGI NG NATION-BUILDING

NANINDIGAN si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano nitong Huwebes na ipagpapatuloy ng kanilang grupo ang pagsusulong ng nation-building at mga reporma laban sa katiwalian kahit lumipat sila sa minority bloc matapos ang pagbabago ng liderato sa Senado.

Sa Facebook Live noong Hunyo 18, ipinagtanggol ni Cayetano ang naging trabaho ng kanilang hanay noong siya pa ang Senate President at itinanggi ang mga paratang na hindi sila naging aktibo o epektibo.

“Yung sinasabi nilang hindi nagtrabaho, walang katotohanan iyon, panay kasinungalingan. Never naman tayo tumigil sa pagtatrabaho. Ang kwestyon, ano’ng trinatrabaho natin? Iyon ay nation-building,” ani Cayetano.

Ayon sa mambabatas, bahagi lamang ng mas malawak na usapin sa pamamahala ang naging pagbabago sa liderato ng Senado, lalo na sa usapin ng paglaban sa korapsyon sa mga proyekto ng gobyerno na aniya’y may malaking epekto sa ekonomiya ng bansa.

“Our economy is suffering, we have to recover. Iyong flood control scandal, iyon siguro ang pinakamalaki na corruption. Pero napakarami pa na systematic corruption na hindi napag-uusapan,” dagdag niya.

Sinabi ni Cayetano na bagama’t pareho ang layunin ng magkabilang kampo sa Senado, nagkakaiba sila sa paraan at prayoridad ng pagpapatupad nito.

“Don’t take it away from us. Yung amin pong grupo, want to build a nation. Good faith tayo. Meron kayong vision of a nation you want to build. Meron kaming vision nung gusto natin i-build,” aniya.

Binigyang-diin din niya na dapat nakabatay sa matibay na institusyon, rule of law at pananagutan ang nation-building.

“Saan natin pwedeng umpisahan ang nation-building? Sa pundasyon at rule of law. Regime of justice and truth,” saad niya.

Nanawagan din si Cayetano sa publiko na manatiling mapagmatyag sa mga usapin sa gobyerno sa gitna ng mga tensyon sa pulitika at alegasyon ng katiwalian.

“It’s time for real change. Mga kababayan, huwag po tayong susuko. Let’s all do our best and let’s keep praying … let us build this nation that we love and let us serve the God that we love,” pagtatapos niya.

87

Related posts

Leave a Comment