Sa kabila ng kaliwa’t kanang ayuda GUTOM, KAHIRAPAN TALAMAK PA RIN

(BERNARD TAGUINOD)

HINDI naiibsan ng mga ayudang ipinamumudmod ng pamahalaan ang gutom at kahirapan sa bansa.

Puna ni dating Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate, patuloy na nagdudusa sa gutom at kahirapan ang sambayanang Pilipino lalo na ang food producers sa Mindanao sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Binanggit niya ito sa paggunita sa World Food Day noong Miyerkoles.

“The hunger crisis in the Philippines, especially in Mindanao, has been worsening,” ani Zarate base na rin sa mismong datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Inihalimbawa nito ang PSA report noong 2021 na nagtala sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na may mataas na poverty incidence na umaabot sa 37.2% habang 34.2% naman sa Region IX o Zamboanga Peninsula.

Lumabas din aniya sa survey ng Social Weather Station (SWS) na 3.5 million pamilya o katumbas ng 12.2% ng populasyon ng Pilipinas ang nakaranas ng “involuntary hunger” sa huling bahagi ng taong 2023.

“Mindanao, with its high poverty rate and significant rural population, is among the hardest hit. Farmers, despite their critical role in food production, often face the harsh reality of food insecurity,” ayon pa sa dating mambabatas.

Patunay lamang aniya ito kung gaano katindi ang kahirapan ng mga residente sa nasabing rehiyon na isa sa mga itinuturing na agriculture communities o food producers dahil sa kawalan ng tulong ng gobyerno.

Bukod dito, napapabayaan din umano ng gobyerno ang mga manggagawa sa Mindanao dahil sa ngayon ay naglalaro sa P316 hanggang P341 ang daily minimum wage dito kaya tumitindi ang kagutuman.

“With such low wages, families cannot afford the basic necessities of life, much less have enough for nutritious meals. The rising cost of living and stagnant wages have only worsened the situation for many,” paliwanag pa ni Zarate.

8

Related posts

Leave a Comment