VP SARA KUMASA SA PSYCH CHECK NAGHAMON NG DRUG TEST

HANDANG sumailalim sa neuropsychiatric exam si Vice President Sara Duterte kahit pa ito ay televised.

“Wala akong problema doon. Game tayo. I will call that—neuropsychiatric exam,” sagot ni VP Sara sa isang ambush interview.

Kasabay nito, hinamon niya ang lahat ng mga congressional candidate na sumailalim sa drug test.

“As a voter I demand, magpa-drug test sila. Kayong lahat mga kababayan, you demand na mag-drug test ang mga congressional candidate dahil kung unstable ako, sa paningin ko, unstable rin sila,” ang pahayag ni VP Sara.

Nauna rito, nagpahayag ng pagkabahala ang ilang mambabatas sa mga pahayag ni Duterte tungkol kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na nais niyang putulan ng ulo, at sa banta niyang huhukayin ang bangkay ni dating pangulong Marcos Sr., para itapon sa West Philippine Sea.

Sa pulong balitaan sa Kamara de Representantes, iminungkahi ni La Union Rep. Paolo Ortega, na sumailalim sa psychological evaluation si Duterte dahil sa tingin umano ng mga nakapanood sa presscon ng pangalawang pangulo ay “parang may something”.

Maging si Senador Koko Pimentel ay nagsabi na kailangan ng propesyonal na tulong ni Duterte.

Matatandaang magkakampi sina Marcos Jr. at VP Sara noong 2022 national elections sa ilalim ng ticket ng UniTeam. (CHRISTIAN DALE)

12

Related posts

Leave a Comment