‘KRISTINE’ DEATH TOLL PUMALO NA SA 90

HABANG tinatahak ni Tropical storm Kong-Rey (international name) ang Philippine Area of Responsibility, sumampa na sa 126 ang pinangangambahang nasawi at nawawala base sa ulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC).

Sa pinakahuling datos na ibinahagi ng NDRRMC kahapon ng umaga ay nasa 90 ang reported death habang nasa 36 naman ang missing sa mga lugar na sinalanta ng STS Katrine. Bukod sa nasabing bilang, may 71 katao naman ang inulat na nasaktan.

Pinangangambahang lumobo pa ang mga nasabing pigura dahil may mga lugar pa rin na hindi nararating ng government search, rescue and retrieval team lalo pa’t may 642 areas pa ang nananatiling baha.

Umakyat naman sa P1,432,229,305.62 ang danyos sa agrikultura habang nasa P3,079,167.50 ang halaga ng pinsala sa Livestock, Poultry, and Fisheries. Dahilan para umabot sa 158 ang kabuuang bilang ng mga siyudad at munisipalidad na idineklarang nasa ilalim ng State of Calamity (SOC). (JESSE KABEL RUIZ)

113

Related posts

Leave a Comment