DRIVER PATAY, 4 PA SUGATAN SA KURBADANG KALSADA

CAVITE – Patay ang driver ng isang Honda Civic Sedan na isang 20-anyos na estudyante, habang sugatan ng apat nitong pasahero nang bumangga ang sasakyan sa isang concrete post matapos itong mag-overtake sa isang kurbadang kalsada sa bayan ng Silang sa lalawigan noong Linggo ng madaling araw.

Pawang isinugod sa Ospital ng Tagaytay ang mga biktimang kinilalang sina Raven Sortejas y Digo, 20, ang driver ng sasakyan; Ronian Palanganan y Dichihon, 19; Francis Capili y Maguinao, 20; Vincent Songaben y Parina, 18; at Mark Angelo Digo y Abuda, 19-anyos. Subalit namatay habang nilalatan ng lunas si Sortejas.

Ayon sa ulat, minamaneho ni Sortejas ang isang Honda Civic Sedan na may plakang UKT 767, at binabagtas ang south direction patungo sa north direction ng Sta. Rosa, Laguna bandang alas-2:00 ng madaling araw.

Ngunit pagsapit sa isang kurbadang bahagi ng kalsada sa Sta. Rosa-Tagaytay Road, sakop ng Brgy. Pasonglangka, Silang, Cavite, nang tinangka ng driver na mag-overtake sa isang pang sasakyan.

Dahil umano sa bilis ng pagmamaneho, hindi nakontrol ng driver ang kanyang manibela at bumangga sa isang konkretong poste.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang apat na sakay nito sa kalsada habang ang driver ay naipit sa driver seat dahilan ng matinding pinsala sa katawan nito.

Ayon sa imbestigasyon, pawang nakainom ang mga biktima. (SIGFRED ADSUARA)

67

Related posts

Leave a Comment