COAST GUARD NAPINSALA RIN NG BAGYONG NIKA

NASALANTA rin ang Coast Guard Substation sa bayan ng Dilasag, Aurora matapos ang pag-landfall ng bagyong ‘Nika’ sa naturang bayan nitong Lunes, Nobyembre 11.

Base sa pinakahuling report ng Coast Guard District Northeastern Luzon, inilipad ang malaking bahagi ng bubungan nito at pumasok ang tubig-ulan sa loob ng pasilidad.

Nasira rin ang ilang bahagi ng istasyon, dala na rin ng malalakas na hangin.

Sa kabila nito, ligtas at nasa maayos na kalagayan ang lahat ng mga CG personnel na naka-deploy sa naturang lugar.

Magugunitang, alas-8 ng umaga nitong Nob. 11, nang mag-landfall ang bagyong ‘Nika’ sa bisinidad ng Dilasag at sa loob ng ilang oras ay nanalasa ito sa mga coastal town ng Aurora at Isabela.

Sa pag-landfall din ng bagyong ‘Marce’ sa Sta. Ana, Cagayan nitong nakalipas na linggo ay nasira ang CG substation Sta. Ana at pinasok ng tubig-ulan ang loob nito.

Patuloy ang ginagawang paglilinis at pag-aayos sa mga naturang istasyon. (JULIET PACOT)

48

Related posts

Leave a Comment