DEAD on arrival sa hospital ang isang pasahero ng truck habang sugatan naman ang limang iba pa matapos na mahulog sa bangin ang nasabing sasakyan noong Miyerkoles ng gabi sa lalawigan ng Ilocos Norte.
Kabilang sa mga sugatan ang driver ng Isuzu Elf at apat niyang sakay na pawang itinakbo sa pagamutan, nang magtuloy-tuloy na mahulog sa bangin ang kanilang sinasakyan pagsapit sa Brgy. Valenciano, Banna ng nabangit na lalawigang, ayon sa Banna Municipal Police Station.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, bumibiyahe ang naturang truck patungong silangang direksyon sa Banna-Batac Road sa Sitio Payao sa naturang lugar
Subalit pagsapit nito sa palikong bahagi ng kalsada, hindi gumana ang preno nito naging dahilan para mawalan ng kontrol sa manibela ang 43-anyos na driver ng truck, na sinasabing residente ng Dingras, Ilocos Norte.
Nagawa namang mai-ahon ng retrieval team ang mga sugatang sakay ng truck kabilang ng driver at limang pasahero nito na pawang sugatan.
Gayunman, ang 21-anyos na pasahero ay idineklarang dead-on-arrival ng kanyang attending physician. (JESSE KABEL RUIZ)
7