PAALALA SA OFWs KAPAG MAGPAPALIT NG PERA

RAPIDO NI TULFO

ANG pangyayaring ito ay aking isinulat upang maging babala sa mga balikbayan na magpapapalit ng pera sa money changers.

May natanggap po kaming reklamo nitong Miyerkoles galing sa kapatid ng isang OFW na nagpalit ng dollars sa isang kilalang money changer sa Market Market Mall sa Bonifacio Global City sa Taguig City.

Ayon sa kapatid ng biktima, hindi sinabihan ng kahera ng naturang money changer na kinakailangan nitong mag-fill-out ng form lalo na’t first time customers sila at malaki ang halaga ng papapalitan nila ($3,802).

Kulang ng $1,802 na may na katumbas na halagang P104,516, ang perang ibinigay ng kahera.

Dahil dito, nagreklamo ang OFW na humantong sa paghaharap nila sa security office ng naturang mall.

Ayon sa kuwento ng kapatid ng biktima, sa una ay inamin ng kahera na $3,802 nga ang ibinigay sa kanila ng OFW pero nang kinukunan na ito ng video ng biktima ay itinanggi na niya nito.

Sa huli ay dumating ang manager ng money changer at sa pag-iimbestiga nito ay may pagkakamali nga ang kanilang tauhan. Dahil sa hindi pagsunod nito sa procedure sa pagpapalit ng dollars ay ibinalik ang kabuuang halaga sa OFW.

Sa aming pagsasaliksik, isang requirement ng lehitimong money changers ang pagbibigay ng form sa bagong customers nito upang sulatan ng kanilang pangalan at iba pang impormasyon.

Sa currency exchange centers nga ng SM Malls ay itinatanong pa sa magpapalit kung saan galing ang perang ipapalit o kung ang magpapalit ba ay isang OFW, balikbayan o bigay ng kamag-anak.

Kaya sa ating kababayang OFWs, mag-ingat sa pagpili ng pagpapalitan ninyo ng pera. Siguraduhing lehitimong money changers ito at bilanging mabuti ang pera bago umalis.

At bago po tayo magtapos ay nais ko po kayong batiin ng advance Merry Christmas. Sana ay maging maligaya at puno ng pagmamahal ang inyong mga Pasko.

170

Related posts

Leave a Comment