TOP 3 MWP SA RAPE ARESTADO SA PASIG

ARESTADO sa mga awtoridad noong Biyernes ng hapon ang isang top 3 most wanted person sa kasong rape, sa ikinasang manhunt operation sa Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.

Ayon sa report ni PCol. Hendrix Mangaldan, chief of police ng Pasig City Police Station, hindi na nakapalag ang suspek na si alyas “Kuya Vangie,” 44, may live-in partner, jobless, at residente ng nasabing barangay, nahaharap sa kasong statutory rape sa ilalim ng Article 266-A (1)(d) at Section 10(a) ng R.A. No. 7610 o Special Protection of Children Against, Exploitation and Discrimination Act.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Acting Presiding Judge Rainelda Estacio-Montesa, ng RTC Branch 159 sa Pasig City.

Bukod sa panggagahasa sa 14-anyos na dalagitang apo kanyang ng live-in partner, dati na rin umanong inaresto ang suspek sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 noong Agosto 3, 2017, at illegal gambling noong Marso 10, 2021.

Inaresto ang suspek ng pinagsanib na pwersa ng Pasig City Police Station Intelligence Section, bilang lead unit, National Intelligence and Security Group (NISG-NCR), District Intelligence Division ng Eastern Police District (DID-EPD) at Regional Mobile Force Battalion (RMFB4A0 404th A Maneuver Company).

Nakapiit na ang suspek sa custodial facility ng Pasig City. (NEP CASTILLO)

98

Related posts

Leave a Comment