MERALCO MAY BAWAS-SINGIL SA KURYENTE NGAYONG ENERO

Inanunsyo ng Manila Electric Company (Meralco) ang P0.2189 kada kWh na bawas-singil sa kuryente ngayong buwan dahil sa pagbaba ng mga singil sa generation at transmission. Para sa mga pamilyang kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan, katumbas ito ng P44 na kabawasan sa kanilang kabuuang bill.

Nagpaalala rin si Meralco Vice President at Head of Corporate Communications Joe R. Zaldarriaga na ugaliin ang matalino at masinop na paggamit kuryente lalo na at papalit ang panahon ng tag-init.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang Meralco website (www.meralco.com.ph) o ang mga opisyal na social media account ng Meralco sa Facebook (www.facebook.com/meralco) at X
(@meralco).

114

Related posts

Leave a Comment