Mag-Invest Ngayong 2025 sa Palawan Gold PALAWAN GOLD: ANG ABOT-KAYANG GINTO PARA SA BAWAT PILIPINO

SIMULAN ang taon sa pagpapalago ng iyong ipon! Isa sa napatunayan nang mainam at maaasahang investment ngayong 2025 ay ang pagbili ng ginto.

Ang Palawan Gold, handog ng matatatag at mapagkakatiwalaan na Palawan Group of Companies, ay isa sa mga pinakamahusay at pinakaligtas na paraan ng pag-invest. Ito ay isang abot-kaya at matalinong hakbang upang mapanatili at mapalago ang iyong ari-arian (asset) o yaman sa kabila ng pabago-bagong kalagayan ng ekonomiya.

Pagtaas ng presyo ng ginto kada gramo sa Pilipinas mula 2014 hanggang 2024

Ang ginto ay itinuturing na isang pangmatagalang yaman—subok na maaasahan at matatag kahit sa panahon ng implasyon o pagtaas ng presyo at pagbaba ng halaga ng pera. Base sa datos, impresibo ang pagtaas ng presyo ng ginto kada gramo sa Pilipinas na umabot ng 194.22% sa nakalipas na dekada.

Mula sa presyong ₱1,500 kada gramo noong 2014, ang presyo ng ginto ay umakyat sa ₱5,000 nitong 2024, at inaasahan na patuloy pa nag pagtaas nito ngayong 2025. Ang patuloy na pagtaas ng halaga ng ginto ay nagbibigay ng katiyakan at kapanatagan sa mga nais mag-invest.

Sa pamamagitan ng Palawan Gold, maaari kang mag-invest sa garantisadong tunay na 24K gold coins at bars na may 99.9% purity, ibig sabihin ay makatitiyak ka sa kalidad at mapagkakatiwalaan ang iyong investment.

Ang maganda pa rito, ginawa ng Palawan Gold na abot-kaya ang pag-iinvest para sa lahat ng Pilipino. Sa kanilang Bili-Sangla opsyon, maaari kang magsimula sa halagang 10% down payment lamang. Dagdag pa rito, ang mga Suki Card holders at PalawanPay users ay makakakuha ng karagdagang ₱50 discount kada gramo, siguradong mas makakamura at mas madali nang mag-invest sa ginto.

Napakadaling makabili ng Palawan Gold dahil available ito sa mahigit na 600 Palawan Pawnshop branches sa buong Pilipinas at maging sa PalawanPay App. Sa pamamagitan ng mga ito, mas simple, maginhawa, at ligtas ang proseso ng pagbili ng ginto para sa bawat Pilipino dahil maaari ring bumili ng Palawan Gold coin at bars sa branch at pwede rin sa app.

Baguhan man sa pag-invest or nagnanais lamang na mag-diversify sa iba pang assets, makakaasa na sa Palawan Gold, ang puhunan ay ligtas at sigurado para mas mapalago ang iyong pinahahalagahan at pinaghirapang ipon. Pumunta lamang sa pinakamalapit na Palawan Pawnshop branch, mag-download at gamitin ang PalawanPay App, o sundan ang kanilang opisyal na Facebook page para sa karagdagang detalye. Huwag nang maghintay—simulan na ang pag-iinvest sa ginto kasama ang Palawan Gold ngayong 2025!

11

Related posts

Leave a Comment