(CHRISTIAN DALE)
UMATRAS sa hamon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang tumangging sumailalim siya sa hair follicle drug test.
Ang katwiran ng Chief Executive, wala naman itong koneksyon sa constitutional principle na “public office is a public trust.”
Tugon ito ng Pangulo sa panawagan ni dating Executive Secretary Vic Rodriguez sa isinagawang GMA Network’s ‘Tanong ng Bayan: The GMA Senatorial Face-Off 2025’ nitong Sabado, Pebrero 1.
Hinikayat ni Rodriguez si Pangulong Marcos na sumailalim sa ‘credible hair follicle test’ para ‘once and for all’ ay mabalewala na ang paratang sa kanya (Pangulong Marcos) na gumagamit siya ng ilegal na droga.
“No, no. Why should I do that?… ‘Public office is a public trust’ has nothing to do with the follicle test. Wala namang koneksyon ang sinasabi niya,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isang chance interview sa Pasay City noong Biyernes.
“He’s always had that weakness every time he — when he was still working for me. If you believe in what he was saying, why did he work for me?” ang mabilis na sagot ng Pangulo.
Abril ng nakaraang taon unang hinamon ni Atty. Rodriguez na sumailalim sa “credible hair follicle drug test” ang dati niyang “boss” na si PBBM.
Tinanong kasi si Rodriguez sa sinabi ni Marcos noong Enero, na hindi niya bibigyan ng halaga ang alegasyon na gumagamit siya ng ilegal na droga.
“That’s not dignifying, it’s heeding the call and the clamor of the Filipino people,” ang sinabi ni Rodriguez, na nagbitiw sa kanyang pwesto bilang executive secretary ni Marcos noong 2022.
16