BARANGAY CAPTAIN NAIPIT SA MINAMANEHONG ROAD GRADER, PATAY

BATANGAS – Patay ang isang barangay captain matapos na maipit ng kanyang minamanehong road grader sa Barangay Calantas, sa bayan Rosario sa lalawigan noong Martes ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Barangay Captain Rudy Manongsong Endencio, ng Barangay Antipolo, Rosario.

Ayon sa report, minamaneho ng biktima ang soil grader sa barangay road pababa sa bahaging may tulay nang mawalan umano ng preno ang heavy equipment.

Iniwas ito ng kapitan sa mga batang estudyante na naglalakad sa kalsada, at itinalon sa gilid ng daan.

Para sa kanyang kaligtasan, tumalon din ang kapitan mula sa driver seat subalit pagbagsak nito ay naipit naman ito ng gulong ng grader.

Agad itong sinagip gamit ang isa pang heavy equipment at itinaas ang bahaging nakaipit, subalit wala nang buhay ang biktima.

Ikinalungkot naman ng kanyang mga kabarangay ang pangyayari na pagpanaw ng kanilang barangay official. (NILOU DEL CARMEN)

7

Related posts

Leave a Comment