Ayuda kapalit ng pirma itinanggi ng Kamara PONDO GUMALAW SA ‘IMPEACH SARA’?

(BERNARD TAGUINOD)

MARIING itinanggi ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na may kapalit na ayuda sa pagpirma ng mahigit 200 Kongresista sa 4th impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Tugon ito sa isiniwalat ng chair ng Duterte Youth party-list na si Ronald Cardema na may pondo umano na ipinakita sa mga congressmen subalit ‘for later release’ o FLR kaya nagpirmahan ang mga ito sa impeachment complaint.

“Ang balita ko may mga pondo na nakalagay for later release. Ibig sabihin it’s a conditional release of funds. So if you have promised millions or hundred of millions of funds and you do not commit yesterday baka hindi ma-release yan kasi for later release yan. FLR yan. May mga ipinapangako kahapon for later release,” ani Cardema sa isang radio interview.

Sa press conference kahapon, mariin itong itinanggi ng isa sa 11 impeachment prosecutor na si Rep. Rodrigo Gutierrez ang nasabing alegasyon at inaasahan na umano nila na kakalat ang ganitong uri ng misinformation at disinformation matapos ma-impeach si Duterte.

“Ito po’y nagsimula na po ang smear campaign sa prosesong ito, actually ako personally I actually expect that a lot misinformation and fake news would be coming out after the filing of the complaint,” ayon naman kay Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong.

Lalong umugong na may kapalit ang pagpirma ng mga kongresista sa impeachment complaint nang lumabas ang isang post diumano ni Cagayan de Oro City Rep. Lordan Suan na nagpapaliwanag sa kanyang mga constituent sa pagpirma nito.

“…to my supporters, I know you stand with me. Rest assured na ayuda is coming,” ang post diumano ni Suan subalit ayon kay Adiong ay itinanggi ito ng mambabatas matapos nila itong tawagan.

“Well, yes kanina pong umaga, nakausap ko po, nakausap po namin si Congressman Lordan Suan, unang-una po, dinedeny po niya categorically na hindi po yan totoo. Isa po yan sa paraan na sinasabi ko ng mga fake news,” paliwanag ni Adiong.

Gayunpaman, hindi umano magpatitinag ang mga ito sa mga fake news na aniya’y inaasahang lalala sa mga susunod na mga araw at ipagpapatuloy umano nila ang kanilang mandato.

“Idadagdag ko lang po sa mga fake news peddlers ha. Tatayuan po namin ang obligasyon namin at mandato pong binigay samin ng konstitusyon no matter what you do,” ayon pa sa Muslim solon.

70

Related posts

Leave a Comment