ITINAAS ni Sen. Grace Poe ang kamay ng mga nominado ng FPJ Panday Bayanihan party-list sa pangunguna ng anak na si Brian Poe, kasama sina Mark Patron at Hiyas Dolor na ikalawa at ikatlong nominee, ayon sa pagkakasunod matapos ang kanilang motorcade sa proclamation rally na dinaluhan ng halos 15,000 katao sa Lemery, Batangas kamakailan.
Si Dr. Brian ay panganay na anak ni Senator Poe at apo ng yumaong batikang action star na si Fernando Poe Jr., tinaguriang Hari ng Pelikulang Pilipino.
Itinatag ni Brian noong 2013 ang FPJ Panday Bayanihan at siya rin ang nanguna sa pamimigay ng hindi mabilang na tulong sa mga nangangailangan lalo na sa mga kapus-palad. Food, Progress at Justice ang pangunahing adbokasiya ng party-list na siyang ipinaglalaban ni Da King noon pa man at itutuloy ito ni Brian. (DANNY BACOLOD)
