P75-M PEKENG CROCS FOOTWEARS NASAMSAM

UMABOT sa P75 milyong halaga ng pekeng Crocs footwears ang nasamsam ng mga ahente ng Philippine National Police-Criminal investigation and Detection Group sa sinalakay na mga bodega sa lalawigan ng Bulacan.

Apat na Chinese nationals ang naaresto ng mga pulis matapos ang tatlong magkakahiwalay na pagsalakay.

Kinilala ng PNP ang apat na Chinese nationals na sina Weibin, Zhenpan, Youding, at Wang ng Elite Globus Prime Holdings Corporation na nagmamay-ari ng tatlong warehouse sa Meycauayan, Bulacan.

Kasama sa karagdagang nakumpiskang mga ebidensya ang mga resibo ng negosyo, mga computer set, isang CCTV DVR, at isang web mill printer.

Ayon kay Police Major General Nicolas Torre III, patakaran ng estado na protektahan at i-secure ang exclusive rights ng scientists, inventors, artists at iba pang gifted citizens sa kanilang intellectual property and creations.

Ang apat na Chinese national ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 155 (Trademark Infringement) kaugnay ng Section 170 ng RA 8293 (Intellectual Property Code of the Philippines) para sa hindi awtorisadong paggamit ng isang rehistradong trademark na maaaring magdulot ng kalituhan sa mga mamimili. (JESSE KABEL RUIZ)

22

Related posts

Leave a Comment