PUTING VAN, MOTOR SUMALAKAY: KITA NG MEAT SHOP TINANGAY

CAVITE – Halos P200,000 halaga ng cash ang natangay ng dalawang holdaper na lulan ng isang puting van at motorsiklo, makaraang looban ang isang meat shop sa bayan ng General Mariano Alvarez (GMA) sa lalawigan noong Linggo ng umaga.

Ayon sa ulat, ang mga suspek ay unang sakay ng isang itim na motorsiklo saka lumipat sa isang puting Starex van na may improvised plate number na 136610.

Nabatid pa sa ulat na nakasuot ng itim na facemask ang isa habang naka-half face helmet naman ang isa at armado ng hindi nabatid na kalibre ng baril.

Base sa footage ng CCTV, pumasok ang dalawang suspek bandang alas-10:59 ng umaga sa Fresh Hog Meat Shop sa Brgy. Calimag, GMA, Cavite at agad na nagdeklara ng holdap sa may-ari na si alyas “Bernard” at tinangay ang P166,500 cash.

Matapos makuha ang pera, sumakay ang dalawa sa isang motorsiklo na minaneho ng isa pang suspek patungo sa north direction.

Ngunit pagsapit sa Brgy. Dacon, GMA, Cavite, lumipat ang dalawang suspek sa isang puting van at tumakas sa direksiyon ng Brgy. San Jose GMA, Cavite.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kaso habang sinusundan ang footages ng CCTV para sa posibleng pagkakakilanlan ng mga suspek. (SIGFRED ADSUARA)

37

Related posts

Leave a Comment