CPP-NPA HIGH VALUE TARGET, KASAMA SA HOT PURSUIT NG ARMY

KINUMPIRMA kahapon ng Armed Forces of the Philippines na kasama sa target ng inilundad na tactical operation ng Philippine Army at Philippine Air Force ang ilang major personalities ng nalalabing mga kasapi ng communist New People’s Army na pakay pa rin ng continuous hot pursuit operation ng military.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margaret Padilla, malaking grupo ang babanggain ng Philippine Army kabilang ang ilang high value target, kaya humingi ang ground troop ng air artillery support mula sa PAF.

Kinumpirma ni Lt. Col. Francisco Garello, spokesperson ng Army 4th Infantry Divisiona, nasa 50 NPA members ang pakay ng kanilang operasyon sa Cabanglasan sa Bukidnon.

“Ang target natin dun ay ‘yung elements and leadership of the North Central Mindanao Committee, around 60 members nung group. At isa sa mga factors, that’s why our troops ano on the ground requested an air support critical to the attainment ng victory during that time po,” ani Col. Garello.

Subalit Wala pang iniulat na bilang ng casualties sa panig ng CPP-NPA kasunod ng isinagawang air at ground assault dahil nagpapatuloy pa umano ang ginagawang pagtugis sa tumatakas na mga kalaban.

“We are conducting and pursuit operations, we have different combat groups around the encounter site sa mga vicinity ng encounter site so as to thoroughly scour ‘yung ating mga areas na kung saan possible na nag-withdraw ang mga kalaban,” pahayag pa ni Garello.

Naniniwala ang military na napilayan nila nang husto ang hanay ng CTG bunsod ng ilang high powered firearms na nakuha malapit sa target areas.

Patuloy na sinusuyod ng mga sundalo ang kagubatan maging ang kalapit na mga barangay na maaaring pagkublihan ng tumatakas na mga rebelde. (JESSE KABEL RUIZ

15

Related posts

Leave a Comment