3 LUGAR POSIBLENG PAGPILIAN PARA PAGDALHAN KAY DIGONG

USAP-USAPAN ngayon kung ano ang mga magiging kaganapan kasunod sa ginawang pag-aresto kay dating pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) pagdating mula Hongkong kahapon ng umaga at saan ito dadalhin matapos ang pormal na pagsisilbi ng International Criminal Court notice kaugnay sa inilabas na warrant of arrest dahil sa kasong crime against humanity.

Sinasabing posibleng ialis agad si Duterte palabas ng Pilipinas at isailalim sa kustodiya ng ICC.

Sa isang television interview kay human rights lawyer Atty. Neri Colmenares, sinabi nitong “may posibilidad na patakasin ang dating presidente palabas ng bansa.”

Sa ANC interview, hinayag ni Colmenares na dating party-list lawmaker at nagsilbi ding abogado ng mga biktima ng mga extrajudicial killing (EJK) sa inilunsad na giyera kontra droga ni Duterte na sa ilalim ng ICC rules, oras na naglabas na ng arrest order nasa kapangyarihan na ng ICC kung saan dadalhin ang akusado.

May tatlo umanong posibleng lugar na pagdadalhan kay Digong sakaling ilabas ito ng Pilipinas.

“Under the rules of the ICC, once an arrest order is issued, it is up to the ICC saan dadalhin ang akusado.”

Pwede umano si Duterte na makulong sa kustodiya ng ICC at maaari ding sa isang third party o dalhin sa The Hague mismo sa Netherlands. Gayun man, kahit alin sa tatlong nabangit ay nasa poder ito ng ICC.

Si Duterte ay nahaharap sa reklamong may kaugnayan sa mga krimen laban sa sangkatauhan kaugnay sa bintang na summary killing ng ICC bunsod ng mga naganap umanong pagpatay nang ito ay kasalukuyang Davao City mayor hanggang sa naging pangulo ng bansa.

May mga ulat mula sa ilang human rights group na humigit kumulang sa 26 na libong katao lang naging biktima ng mga EJK sa ilalim ng Duterte drug war.

Ayon kay Human Rights Watch Deputy Asia director Bryony Lau, “Duterte is facing charges of crimes against humanity in relation to thousands of extrajudicial killings in his ‘war on drugs’ between 2011 and 2019.”

Ang pagkaka aresto umano ni Digong ay naglalapit sa mga biktima at kanilang mga pamilya sa inaasam na hustisya. (JESSE KABEL RUIZ)

14

Related posts

Leave a Comment