BRGY. CHAIRMAN KINASUHAN NG ADMINISTRATIBO

NAHAHARAP sa mga kasong grave misconduct in office, gross neglect of duty, at abuse of authority dahil sa paglabag sa Republic Act 7160 at RA 6713 (Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees) ang isang barangay chairman sa Lungsod ng Malolos na isinampa ng mag-inang negosyante kamakailan.

Si Chairman Lolita Gatchalian ng Barangay Balite, City of Malolos, ay kinasuhan ng administrative case ng mag-inang sina Lilia Capule at Joseph Dominic, kapwa residente ng City of Malolos, sa Sangguniang Panlungsod ng Malolos noong Marso 10, 2025.

Nag-ugat ang mga reklamo kay Chairman Gatchalian makaraang mabigo umano ito sa mga tungkulin na dapat siya ang gumaganap at sa halip ay ang kanyang barangay secretary.

Base pa sa 12-pahinang complaint affidavit ng mag-ina, naging bias din umano si Gatchalian dahil sa pagbalewala nito sa kanilang mga reklamo sa barangay noong June at July 2024 at anila’y bigong maglabas ng summons at certificate to file action (CFA).

Bilang patunay sa mga alegasyon ay mayroong mga dokumento ang complainants na nagpapatunay na hindi si Chairman Gatchalian ang nakalagda sa issued documents mula sa barangay.

Bigo rin umanong humarap sa mga patawag na pagdinig si Gatchalian at ilang beses na idinadahilan nito, ayon sa kanyang barangay secretary na si Lourdes Descarial ay “not feeling well” ang kapitan.

Giit ng mga Capule, dapat mag-file ng leave of absence ang kapitan kung masama ang pakiramdam at hindi magagampanan ang tungkulin.

Nabatid pa na may mga pagkakataon umano na ang barangay secretary ang tumatayong presiding officer sa isinasagawang mga pagdinig kung saan ang papel lamang nito ay itala ang minutes ng pagpupulong.

“Barangay Chairman Lolita Gatchalian should be held liable for gross neglect of duty for her failure to administer and preside the barangay conciliation proceedings,” wika ng complainants.

“She (Gatchalian) grossly neglected her duties and abused her authority when she intentionally declined our request for the issuance of a certificate to file action (CFA),” nakasaad sa affidavit.

Sinubukan naman makuha ang panig ni Gatchalian subalit ayon kay Secretary Descarial, hindi muna makapagbibigay ng pahayag ukol dito si Chairman Gatchalian dahil wala pa silang natatanggap na kopya ng reklamo.

“As of the moment wala pa rin po kasi akong narereceive na advice kay Kap kung may copy na siya ng nasabing complaint. How can she give her side/feedback kung hindi pa po nababasa ang complaint?” ayon sa text message ni Descarial. (ELOISA SILVERIO)

13

Related posts

Leave a Comment