P3-M SHABU NASABAT SA BIGTIME DRUG SUSPECT

BATANGAS – Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang isang hinihinalang “bigtime” na sangkot sa bentahan ng ilegal na droga sa isinagawang operasyon sa Barangay 7, sa bayan ng Cuenca sa lalawigan noong Biyernes ng hapon.

Hindi nakapalag ang suspek na si alyas “Tatay,” 57, isang welder, residente ng San Pascual, Batangas, nang dakmain ng nagsanib puwersang mga tauhan ng Provincial Director Drug Enforcement Unit (OPD-DEU), Cuenca Police at Philippine Drug Enforcement Group – Special Operations Unit 4A (PDEG-SOU4A) bandang alas-3:10 ng hapon.

Nakumpiska mula sa suspek ang limang malalaking transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 500 gramo at tinatayang P3,400,000 ang street value.

Nasa kustodiya ng Batangas PPO ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (NILOU DEL CARMEN)

5

Related posts

Leave a Comment