Balitang nasa Cardinal Santos hospital si Pangulong Duterte at nasa critical condition ay gawa-gawa lang ng isang dating anchor ng isang TV station na nakabase sa QC.
Ang katotohanan, ayon sa source ng Newsbreak Online na doktor mismo sa nasabing ospital, ay nagpa-checkup ang Pangulong Duterte isang araw matapos ang halalan, pero umuwi rin agad.
“Gabi na noon nang nakasalubong ko si Digong na naglalakad at nalaman kong nagpa-checkup… pero makalipas ang ilang oras ay nakita kong pauwi na sjya at mga kasama,” pahayag ng doktor, na nagsabi pang “siguro napagod noong mga araw ng kampanya hanggang noong araw ng botohan.”
Idinagdag pa ng nasabing doktor na isang kilalang malapit na kaibigan ng dating TV anchor ang nag-usisa sa ilan tauhan ng ospital kaninang umaga lang tungkol sa kalagayan ng kalusugan ng Pangulong Duterte.
Ang TV anchor at ang kanyang kaibigang nag-usisasa ospital ay kilala umanong “dilawan.”
