ISANG buwan bago ang Halalan 2025, patuloy na namamayagpag ang Alyansa Para sa Bagong Pilipinas candidate na si Erwin Tulfo sa survey ng mga kandidato sa pagka-Senador.
Sa pinakabagong Tugon ng Masa survey ng OCTA Research na isinagawa noong Marso 18 hanggang 24, napanatili ni Tulfo ang pangunguna na may 100% awareness at 61% voting preference na nagtalaga sa kanya sa rank 1-2.
Tabla sila ni reelectionist Senador Bong Go sa unang pwesto.
Nasa pangalawang pwesto ang independent at kapatid ni Erwin Tulfo na si Ben Tulfo. Sumusunod sina Tito Sotto, Bong Revilla, Lito Lapid, Ping Lacson, Pia Cayetano, Bato Dela Rosa, Abby Binay, Camille Villar at Manny Pacquiao para sa Magic 12.
Nagkamit si Tulfo ng double-digit lead na 13% mula sa kapatid na si Ben Tulfo.
Ang nasabing OCTA survey ay nilahukan ng 1,200 na Pilipino mula sa iba’t ibang panig ng bansa.
