15 PULIS NG VALENZUELA SIBAK SA ROBBERY-EXTORTION

SINIBAK sa pwesto ni NPD Chief Police Brigadier General Josefino Ligan ang labinlimang miyembro ng Valenzuela City Police makaraang masangkot diumano sa kasong robbery extortion.

Sinabi ni Ligan, na kanya rin irerekomenda ang pagsasampa ng kaukulang administrative charges laban sa mga pulis na sangkot sa kaso.

Kabilang sa mga ito ang hepe ng Special Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) at ng Special Intelligence Unit (SIU), habang 13 ay Police Non-Commissioned Officers (PNCOs).

Tiniyak naman ng pamunuan ng NPD na ang kanilang hanay ay mananatiling tapat sa tungkulin para sa kapakanan ng publiko at may mataas na pamantayan ng integridad at pananagutan.

(TOTO NABAJA)

27

Related posts

Leave a Comment